
Paracale Gold project, tinututulan ni Bishop Abcede - VeritasPH
Mariing nanindigan si Daet Bishop Herman Abcede laban sa planong pagmimina sa Barangay Tawig, Paracale, Camarines Norte, na pinangangambahang magdulot ng panganib sa kalikasan at buhay ng mga residente. Ang nasabing proyekto na Paracale Gold Project ng Golden River Mining Corporation ay inaasahang tatagal lamang ng humigit-kumulang pitong taon ngunit maaaring mag-iwan ng pangmatagalang pinsala.








