
Piliin ang tama kaysa madali, archbishop Uy sa mga mananampalataya - VeritasPH
Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mga Pilipino sa Roma na piliin ang tama kaysa sa madali bilang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng katapatan at paglaban sa katiwalian sa lipunan. Sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa Church of St. Anne sa Vatican, nakiisa ang arsobispo sa White Ribbon Movement sa Pilipinas, na nagsusulong







