
Caritas Manila, nanawagan sa mamamayan ng tulong para sa mga biktima ng lindol - VeritasPH
Muling nanawagan ng tulong ang Caritas Manila sa publiko para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Sarangani at iba pang apektadong lugar sa Mindanao. Ayon kay Caritas Manila Financial Stewardship Head Rye Zotomayor, layunin ng panibagong apela na mapalawak pa ang paghahatid ng ayuda sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng pagyanig.








