
Tunay na kristiyano, hinamon na manindigan laban sa divorce
Muling iginiit ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines Office on Stewardship na mahalagang pangalagaan ang pamilya at pagtibayin ang pagsasama ng mga mag-asawa sa halip na sisirain.Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng tanggapan sa kabila ng mga pagtuligsa ng mga sang-ayon sa diborsyo ay dapat na manindigan ang mga tunay na kristiyano sa itinuturo ng Diyos hinggil sa pag-aasawa.








