
Obispo, nababahala sa tumataas na inflation rate
Ikinababahala ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang epekto ng patuloy na tumataas na inflation rate sa naghihikahos na mga Pilipino.Dahilan ng mataas na inflation rate ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, pagkain, transport fare, housing bills, electricity at water gayundin ang mga produktong petrolyo na lalong nagpapabigat sa pasanin ng mga ordinaryong mamamayan at manggagawa.








