
Hatag Paglaum, inilunsad ng Archdiocese of Cebu - VeritasPH
Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Hatag Paglaum, isang fundraising initiative para sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Northern Cebu. Ayon kay Archbishop Alberto Uy, mahalaga ang nasabing proyekto lalo na sa krisis na kinakaharap ng mga nasalanta, at higit pa ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year of Hope.








