
Lucena Priest, itinalaga ng Santo Papa na bagong Obispo ng Diocese of Boac - VeritasPH
Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV si Fr. Edwin Panergo ng Diocese of Lucena bilang bagong Obispo ng Diocese of Boac. Si Bishop-elect Panergo ay kasalukuyang Rector ng Our Lady of Mount Carmel Seminary sa Sariaya, Quezon, at hahalili kay Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. na inilipat sa Diocese of San Pablo noong 2024.








