
Liham Pastoral Kaugnay ng Pagsabog ng Bulkang Taal
Nakita ko ang pag-aalay ng oras at kakayahan ng marami, kasama na ang mga nanggaling sa iba’t ibang lungsod at lalawigan, upang maglingkod bilang service volunteers at ang pagbubukas ng mga kamay upang magbigay ng mga donasyon mula sa kanilang pinagsikapan, na ang halaga ay hindi batay sa laki ng ibinigay kundi sa pagmamahal na kanilang inialay. Masarap balikan ang agaran, taus-puso at masayang pagtutulungan ng mga lider at mga ahensiya ng LGU’s ng ating lalawigan at ng mga lungsod at mga bayan, maging mula sa ibang mga lugar labas ng Batangas; mga lingkod ng Simbahan, mga kapulisan at mga militar, mga kabataan na napakarami at masigasig at masayang tumulong at naglingkod, mga miyembro ng iba’t ibang civic and religious organizations, at mga pribadong kompanya at mga indibidwal. Ito nga ang winika ni Papa Francisco: “This ‘art of accompaniment’ which teaches us to remove our sandals before the sacred ground of the other (cf. Ex 3:5)…must be steady and reassuring, reflecting our closeness and our compassionate gaze which also heals, liberates and encourages growth in the Christian life” (Evangelii Gaudium, no, 169).








