
National Shrine and Parish of Saint Padre Pio, isa nang international shrine - VeritasPH
Kinumpirma ng National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, na pinagkalooban ng Vatican ng dekreto para sa pag-angat ng dambana bilang isang international shrine. Ayon sa pamunuan ng dambana, inilabas ang dekreto noong May 25, 2026 sa tanggapan ng Dicastery for Evangelization sa Vatican City, kasabay ng ika-139 na anibersaryo








