
Mananampalataya, hinamong tugunan ang panaghoy ng mga nangangailangan at kalikasan
Nararapat na maisabuhay ng mga Pilipino ang malalim na pananampalataya at debosyon sa Panginoon. Ito ang paalala ni Cagayan de Oro Archbishop Jose Cabantan sa pambihirang pananampalataya at debosyon ng mga Pilipino na makikita sa sunod-sunod na paggunita sa Pasko ng Pagsilang ni Hesus, Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno at Kapistahan ng Santo Niño.








