
Kautusan ng NCIP na buwagin ang anti-mining barricade sa Brooke’s Point Palawan, kinundena - VeritasPH
Kinondena ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ang naging kautusan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na buwagin ang anti-mining barricade ng mga katutubong pamayanan sa Barangay Ipilan, Brooke's Point, Palawan. Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, nilalabag ng naturang hakbang ang karapatan ng mga residente at mga katutubo sa mapayapang pagtitipon at malayang








