
CBCP, nanindigang dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment trial ni VP Duterte - VeritasPH
Muling iginiit ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte alinsunod sa Saligang Batas, kasabay ng panawagang manaig ang katarungan, pananagutan, at pambansang pagkakaisa. Sa press conference sa pagtatapos ng ika-132 Plenary Assembly ng CBCP sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis








