
Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan
Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island.Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations sa lalawigan.








