
CBCP official, pinayuhan ang OFWs sa Lebanon
Umapela ang opisyal ng Stella Maris Philippines sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon na sundin ang anumang direktiba ng pamahalaan para sa kanilang kaligtasan.Ayon kay CBCP Bishop Promoter of Stella Maris Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos kumikilos ang pamahalaan para maging ligtas ang mga OFW sa Lebanon sa kabila ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hezbollah.








