
CBCP-ECMI, nakaalalay sa Filipino migrants,OFWs at seafarers
Tiniyak ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines - Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang tuloy-tuloy na pagtulong sa mga Filipino Seafarers at Overseas Filipino Workers. Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, ito ay bahagi ng mga pastoral care ng simbahan na bukod sa tinutulungan ang mga OFW at Migrant Workers ay nagiging benepisyaryo din ang kanilang pamilyang naiiwan sa Pilipinas.








