
Tanggapin si Hesus sa pagbubukas ng puso sa mga nangangailangan-paanyaya ni Cardinal Advincula - VeritasPH
Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tanggapin si Hesukristo sa pamamagitan ng pagbubukas ng puso sa mga mahihirap, maysakit, nag-iisa, at maging sa mga taong itinuturing na abala sa kanilang buhay. Ito ang mensahe sa homiliya ng kardinal sa pagdiriwang ng Kapistahan nina Santa Marta, Santa Maria, at San Lazaro








