
Parent-child healthy relationship, matibay na panlaban sa addiction - VeritasPH
Iginiit ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy na mahalagang mapagtibay ang relasyon ng pamilya sa pagharap sa mga panlipunan at pang-espiritwal na suliranin. Sa kanyang pagninilay na pinamagatang “Protecting Our Children from Drug Addiction: A Call to Vigilant, Loving Parenthood,” binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng matibay na pananampalataya bilang gabay sa pagpapalaki ng mga anak.








