
Pagbibigay pag-asa at dangal sa buhay ng tao, misyon ng Caritas Manila - VeritasPH
Ang misyon ng Caritas Manila ay hindi natatapos sa pagtulong sa mga mahihirap at pinakanangangailangan. Inihayag ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, chairman ng Caritas Manila na ang misyon ng social arm ng Archdiocese of Manila ay nagpapatuloy sa pagbibigay pag-asa at dangal sa buhay ng tao. Sa kanyang homiliya sa ika-72 anibersaryo ng pagkatatag








