
Mahigit 8-libong indibidwal sa Cavite, inilikas sa mga evacuation center - VeritasPH
Ini-ulat ng Diocese of Imus – Social Action Center na 8,026 indibidwal mula sa 2,386 pamilya sa Cavite ang kasalukuyang na-displace at inilikas dahil sa pinagsamang epekto ng pinalakas na Habagat, Tropical Depression Luis at low-pressure area na dating Tropical Cyclone Maymay. Batay sa 'Byaheng Malasakitan Situational Report number two ng Caritas Imus, pasado ala-una








