
Pagsusulong sa Beatification at Canonization ni Venerable Mo. Ignacia Del Espiritu Santo, pinaigting ng Simbahan - VeritasPH
Muling pinaigting ng Simbahan ang pagsusulong sa beatification at canonization ni Venerable Mo.Ignacia del Espíritu Santo, kasabay ng panawagan na higit sa mga dokumento ay kinakailangan ang malinaw at kapani-paniwalang patunay ng pagkilos ng Diyos sa kanyang pamamagitan. Sa homiliya sa relaunching ng cause, iginiit ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang tunay








