Local News

  • Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

    Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

    VeritasPH,

    Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay.Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso ng umaga.

  • Mamamayan, hinamong manindigan laban sa Manila bay reclamation project

    Mamamayan, hinamong manindigan laban sa Manila bay reclamation project

    VeritasPH,

    Hinimok ng simbahang katolika ang mamamayan na magkaisa at huwag matakot manindigan para sa ikabubuti ng kalikasan at Manila Bay.Ginawa ng Caritas Philippines ang panawagan sa isinagawang “People’s Earth Day Gathering to Defend Manila Bay”at paggunita ng Earth Day kasama ang iba’t-ibang makakalikasang grupo at ecumenical groups sa Our Lady of Grace Parish sa lungsod ng Caloocan habang idinaos naman ang human chain formation sa Navotas City fountain.

  • Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

    Pagkakahirang sa ika-5 Pilipinong Obispo sa US, ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro

    VeritasPH,

    Ikinatuwa ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang pagtalaga ng Papa Francisco kay Filipino priest Fr. Reynaldo Bersabal bilang Auxiliary bishop ng Diocese of Sacramento.Ayon kay Archbishop Jose Cabantan, ito ay palatandaang patuloy ang paglago ng kristiyanismo sa Pilipinas sapagkat nakapagbahagi ng mga misyonerong Pilipino sa ibayong dagat."We praise and thank God for the appointment of Bishop Elect Reynaldo Bersabal. This still manifests our 500 years of Christianity’s theme Gifted to Give!" pahayag ni Archbishop Cabantan sa Radio Veritas.Sinabi ni Archbishop Cabantan na ipinadala si Bishop-elect Bersabal ni noo'y Cagayan de Oro Archbishop Jesus Tuquib dalawang dekada na ang nakalilipas upang tumulong sa pagpapastol sa mga parokya ng Diocese of Sacramento sa California.

  • CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

    CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

    VeritasPH,

    Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa.Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng pangulo nito na si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng matuwid at matapat na pamamahala ng lider ng bansa.Bahagi ng panalangin ng social arm ng CBCP ang paggabay ng Banal na Espiritu sa mga opisyal ng bayan upang tuwinang isabuhay ang paglilingkod ng dalisay at tapat para sa kabutihan ng mas nakararami o ng common good.

  • Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

    Mga kabataan, inaanyayahang tuklasin ang bokasyon

    VeritasPH,

    Umaasa si Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na maging bukas ang mga kabataang pagnilayan ang bokasyon at tumugon sa tawag ng Panginoong maglingkod sa kawan.Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng pandaigdigang panalangin para sa bokasyon kasabay ng Linggo ng Mabuting Pastol.Ayon sa Obispo, nawa'y pakinggan ng mga kabataan ang tinig ng Mabuting Pastol na nag-aanyayang maging tagapastol sa kristiyanong pamayanan.

Popular Stories in Local News