
Mananampalataya, hinimok na maging tagapagtaguyod ng kapayapaan - VeritasPH
Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa pag-asa at maging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang Muling Pagkabuhay ni Kristo ay paalala na hindi dapat mawalan ng pag-asa ang lahat sa kabila ng mga pagsubok, digmaan,








