
Pangangalaga sa kalikasan, isang banal na tungkulin na ipinagkaloob ng panginoon-Bishop Santos - VeritasPH
Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na aktibong makiisa sa Earth Hour 2026 bilang konkretong hakbang sa pangangalaga sa kalikasan at pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng obispo na ang pangangalaga sa nag-iisang tahanan ay hindi lamang pagpipilian, kundi isang banal na tungkuling ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan.








