Local News

  • Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

    Ipagdasal ang mga bumbero, panawagan ng MOP sa mananampalataya

    VeritasPH,

    Hinikayat ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan ng mga bumbero.Ayon kay Bishop Florencio, malaking tulong ang pagkakaroon ng espiritwal na paggabay sa mga bumbero lalo na't hindi biro ang kanilang misyong pigilan ang pinsala ng sunog at magligtas ng maraming buhay.Ang apela ng obispo ay kaugnay sa paggunita kay San Floriano na itinuturing na pintakasi ng mga bumbero at patron ng Bureau of Fire Protection.

  • Cardinal Advincula may hamon sa BFP

    Cardinal Advincula may hamon sa BFP

    VeritasPH,

    Manindigan at matapang na harapin ang pagsubok tulad ni San Floriano.Ito ang hamon ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection sa Banal na Misa para sa Kapistahan ni San Floriano sa BFP National Headquarters sa Quezon City.Ayon kay Cardinal Advincula, ang pagsasakripisyo at paninindigan ni San Floriano sa kanyang pananampalataya nawa'y magsilbing inspirasyon sa mga bumbero upang patuloy na isaalang-alang ang kaligtasan ng lahat sa mga sakuna tulad ng sunog.

  • Makataong kapitalismo at makatarungang ekonomiya, panawagan ng simbahan sa mga negosyante

    Makataong kapitalismo at makatarungang ekonomiya, panawagan ng simbahan sa mga negosyante

    VeritasPH,

    Ikinagalak ng Diyosesis ng Assisi sa Italy ang pag-usbong ng mga negosyanteng may habag at pakikiisa sa kanilang mga empleyado. Kasunod ito ng pagsasapubliko ng librong pinamagatang 'Human Economy' na isinulat ng mga Obispo ng Diyosesis ng Assisi, Nocera Umbra at Gualdo Tadino kung saan binigyan ng pagkakataon si na executive president ng isang kompanya sa Italy na magtalumpati.

  • Administrasyong Marcos, hinamong ipawalang bisa ang RTL

    Administrasyong Marcos, hinamong ipawalang bisa ang RTL

    VeritasPH,

    Muling umapela ang AMIHAN National Federation of Peasant Women at grupong Bantay Bigas na ipawalang bisa ang Rice Liberalization Law (RTL).Ayon kay Cathy Estavillo, secretary-general ng AMIHAN at spokesperson ng Bantay Bigas, walang naidulot na mabuti ang R-T-L simula ng naisabatas noong 2019 dahil nito napababa ang presyo ng bigas.Sinabi ng grupo na dahil sa batas ay lubhang napababa nito ang kita ng mga magsasaka ng palay na naging dahilan ng pagkalugi at tuluyang pagtigil sa pagsasaka ng mga magsasaka.

  • Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

    Mananampalataya, inaanyayahang mag-pilgrimage sa Antipolo cathedral

    VeritasPH,

    Inaanyayahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na makiisa sa pilgrimage season ngayong buwan ng Mayo sa pagbisita sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.Ayon sa obispo magandang pagkakataon na makibahagi ang kristiyanong pamayanan sa mayamang kultura at tradisyon ng diyosesis kung saan sinimulan ang pilgrimage season nitong May 7 unang Martes ng Mayo at magtatapos sa July 2, ang unang Martes ng Hulyo.

  • Political detainees’ wives reveal humiliating strip search at Bilibid

    Political detainees’ wives reveal humiliating strip search at Bilibid

    The wives of political prisoners were subjected to a “degrading and traumatic” strip search last April 21 at the New Bilibid Prison (NBP), formal complaints filed at the Commission on Human Rights said. Despite pleas and assurances that they carried no illegal drugs and other contraband, NBP personnel ordered them to completely disrobe and conducted […]

Popular Stories in Local News